-- Advertisements --

Nasa 4,119,920 katao na sa buong mundo ang kinitil ng coronavirus mula ng ito ay kumalat sa China noong Disyembre 2019.

Umaabot na rin sa 191,365,730 ang kaso ng COVID-19 ang naitala na karamihan ay gumaling na habang ang iba naman ay nakaranas ng sintomas ng ilang linggo o umabot pa sa buwan.

Ayon sa World Health Organizations (WHO) na maaring domoble o nagtriple pa ang kaso dahil sa taas ng namatay na direkta o hindi direktang iniuugnay sa COVID-19.

Sa pinakahuling ulat din ng WHO, ang bansang Ecuador ang siyang mayroong bagong bilang na nadagdag na 8,786 na nasawi na sinundan ng India na mayroong 3,998 na namatay at ang Brazil na mayroong 1,424.