-- Advertisements --

Nagpositibo sa Covid-19 ang mahigit 40 atleta na naglalaro sa Paris Olympics.

Kabilang sa mga atletang nagpositibo ay high-profile athletes.

Isa na rito si British swimmer Adam Peaty. Si Peaty ay nanalo ng silver sa 100m breastroke ngunit isang araw matapos nito ay tuluyan na rin siyang nagkasakit.

Maging ang Australian swimmer na si Lani Pallister ay hindi na rin tumuloy sa kanyang event na women’s 1500m freestyle matapos siyang magkasakit. Siya ay isa sa mga inaasahan ng Australian team na mag-uuwi ng medalya.

Ayon sa World Health Organization (WHO), patuloy pa rin ang pag-ikot ng virus na nagdudulot ng Covid kayat kailangang maging maingat ang bawat atleta.

Pinayuhan naman ng WHO ang mga bansa na lalo pang lawakan at lakasan ang response system ng mga ito laban sa naturang sakit.