CAUAYAN CITY – Mahigit 40 iba’t ibang uri ng baril ang pansamantalang isinuko sa Jones Police Station matapos magpaso ang mga lisensya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Felixberto Lelina, hepe ng Jones Police Station na karamihang nai-deposito sa kanilang himpilan ay mga short fireams na kinabibilangan ng Caliber 38, Caliber 45, Caliber 40 at 9MM.
Inaalam nila ang mga nagpaso na ang mga lisensyang baril at pinupuntahan nila ang may-ari sa kanilang bahay para ipa-deposito ang mga baril sa kanilang himpilan.
Layunin nitong hindi magamit ang mga baril na nagpaso na ang lisensya sa darating na Sangguniang Kabataan at Barangay Elections.
Sa ngayon ay puspusan na ang isinasagawa nilang OPLAN KATOK kaya marami ang nagsuko ng kanilang baril sa Jones Police Station.