Narekober na ang mahigit 40 katawan mula sa nagyeyelong Potomac River kung saan bumagsak ang wreckage mula sa US plane crash base sa datos ngayong Biyernes, Enero 31.
Nasa 14 na katao naman ang nananatiling missing.
Malaking hamon naman na kinakaharap ngayon ng divers na nagpapabagal sa pagrekober sa mga labi ng mga biktima ng plane collision ang intense mud o putik, zero visibility, banta ng kontaminasyon mula sa fuel at debris ng nasirang passenger plane at military helicopter.
Ngayong araw, narekober na din ang black boxes mula sa 2 aircraft at inaasahang mailalabas na ang preliminary report sa loob ng 30 araw.
Nauna na ngang kinumpirma ni US President Donald Trump na walang survivor sa malagim na plane crash na kumitil sa kabuuang 67 katao.
Ilan sa mga natukoy na nasawi sa plane crash ang groom-to-be na piloto, anak ng isang Indian immigrants, 4 na steamfitter union members, US figure skating champions at isang Filipino Police Colonel.