-- Advertisements --

Nasira ang nasa 40 hanggang 49 satellites ng SpaceX matapos tamaan ng geomagnetic storm.

Ayon sa kumpanya na tinamaan ang kanilang satellites noong Pebrero 4.

Tumama ang nasabing solar storm ilang minuto mula ng magkaroon ng “low-deployment” orbit o nasa 210 kilometers sa taas ng mundo.

Inilunsad ang nasabing satellites kasama ang SpaceX Falcon 9 rocket mula sa Kennedy Space Center sa Florida.

Ayon pa sa SpaceX na ang bilis at dami ng solar storm ay nagpainit ng panahon sa mundo.