-- Advertisements --

Nagdulot ng sunog sa northern Israel at Golan Heights ang mga rockets na pinakawalan ng mga Hezbollah militants mula sa Lebanon.

Ayon sa Israel Defense Forces na hindi bababa sa 40 na rockets ang tumama sa kanilang teritoryo.

Wala namang nasawi at nagdulot lamang ng 10 sunog sa iba’t-ibang bahagi ng Israel.

Karamihan aniya sa mga rockets ay kanilang naharang.

Hindi itinanggi ng Hezbollah ang insidente at sinabing tinarget nila ang nasa anim na military barracks ng Israel.

Ginamit nila ang Katyusha at Fallaq rockets sa pag-atake kasama rin na ginamit ang tatlong drones.