-- Advertisements --

CAUAYAN CITY– Dumami ang mga nasawi dahil sa coronavirus disease 19, isang linggo matapos tanggalin ang ipinapatupad na lockdown sa France.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Mylene Gonzales, OFW sa Paris, France, sinabi niya na umabot na sa 400 ang mga namatay sa nasabing bansa mula nang tanggalin ang lockdown.

Sa kabuuan ay halos 29,000 na ang namatay sa COVID 19 sa France.

Aniya, mula ng tanggalin ang lockdown ay marami na ring tao ang lumalabas para mamasyal.

Gayunman, ayon umano sa pamahalaan ng France, kapag dumami ang kaso ay magkakaroon ng second wave lockdown.

Sa kabila naman aniya sa pagtanggal sa lockdown ay hindi pa rin bumabalik sa paaralan ang mga estudyante at nagkakaroon na lamang sila ng online school.

Ayon pa kay Ginang Gonzales, may pinag-aaralan ngayon ang Pransiya na isang antibiotic na nakakagamot ng COVID-19.

Samantala, nakabalik na rin aniya sa kanilang trabaho ang karamihan sa mga Overseas Filipino Workers.