-- Advertisements --

Nakatakdang ilagay sa blacklist ng Bureau of Immigration ang mahigit 400 banyaga matapos madiskubreng penitisyon ng pekeng mga kompaniya.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang naturang hakbang ay parte ng kampaniya ng ahensiya para mapaalis ang illegal aliens o mga dayuhan sa bansa partikulra ang mga gumagamit ng pekeng mga dokumento para makakuha ng visa.

Saad pa ni Comm. Tansingco na base sa 3 consecutive audit reports mula sa kanilang Verification and Compliance Division, lumalabas na nasa kabuuang 459 dayuhan ang gumagamit ng pekeng mga kompaniya sa kanilang aplikasyon.

Ibinhagi din ng BI chief na nasa 79 na accredited liaison officers ang humaharap sa mga imbestigasyon ng National Bureau of Investigation dahil sa iligal na gawain.

Ibinunyag din ni Tansingco na 4 sa abogado ng BI ay sumasailalim sa imbestigasyon may kinalaman sa naturang modus.

Matatandaan na noong nakalipas na linggo, iniulat ng BI ang isang modus na ginagawa ng illegal aliens na nagbunsod sa malawakang imbestigasyon sa naturang scheme.

Kung kayat ang mga visa ng mga sangkot na foreign nationals ay kakanselahin, ipapadeport at ilalagay ng blacklist.