-- Advertisements --
Ligtas na naiuwi sa bansa ang nasa mahigit 400 distressed overseas Filipinos.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ilan sa mga na-repatriate nasa 203 dito ang nagmula sa Macau, 53 mula sa Thailand at 142 mula sa Vietnam.
Ayon sa DFA ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na napauwi sa pamamagitan ng government-initiated flights mula Macau ay nasa 5,761 mula na umusbong ang coronavirus outbreak noong taong 2020.
Nasa kabuuang 808 OFWs naman ang napauwi na mula Thailand na nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya.
Naiuwi na rin sa bansa ang mga labi ng tatlong Pilipino na nasawi sa autonomous region dahil sa non-COVID medical conditions