-- Advertisements --
Nasa mahigit 400 na mga empleyado ng Hong Kong airlines ang tinanggal dahil sa coronavirus outbreak.
Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa isang araw matapos na tinanggal ng Cathay Pacific ang mahigit na 27,000 na empleyado nito.
Ayon sa Hong Kong airlines, dahil sa mahigpit na pagpapasok at ang ipinapatupad na quarantine measures ng ibang bansa kaya bumaba ang bilang ng kanilang mga pasahero.
Ang mga natitirang mga empleyado ay mabibigyan ng two-weeks no-pay leave per month o magtatrabaho lamang ng tatlong araw sa isang linggo mula Pebrero 17 hanggang Hunyo.