
Inanunsyo ng AFP na mayroong mahigit sa 400 foreign fishing vessels ang nasa sa loob ng exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command chief Vice Admiral Alberto Carlos, ang mga namataang sasakyang pandagat ay nakapalibot sa pinag-aagawang Karagatan.
Dagdag pa ni Carlos, 85 porsiyento ng mga sasakyang pandagat na nabanggit ay mula sa China.
Kung matatandaan, inaangkin ng China ang hurisdiksyon sa halos buong West Ph Sea at hindi nito kinikilala ang 2016 Arbitral Ruling.
Ngunit hinamon ito ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration, na kalaunan ay nagpawalang-bisa sa malawakang paghahabol ng Beijing sa China.
Kaugnay niyan, ang pinakahuling agresibong aksyon ng China Laban sa ating bansa ay ang kamakailang pang-bobomba nito gamit ang water cannon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply Para sa mga tropang Pilipino na nakatalaga sa BRP Siera Madre.