-- Advertisements --

Nasa 452 beneficiaries na kinabibilangan ng mga security guards, janitors, dishwashers at iba pang utility personnel ng House of Representatives ang nakatanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipag tulungan sa Office of the Speaker sa pamamagitan ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) program.

Lubos naman nagpasalamat ang mga beneficiaries dahil sa unang pagkakataon nakatanggap sila ng tulong.

Bukod sa P10,000 na pinansiyal na tulong mula sa DSWD nakatanggap din ang mga ito ng tig 10 kilong bigas mula kay Speaker Martin Romualdez na malaking tulong lalo na at pasko.

Ayon sa liderato ng Kamara, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagkilala sa mga manggagawa na araw-araw tinitiyak na malinis ang lahat ng pasilidad ng Kamara.

Patunay din ito na walang mga kababayan natin ang naiiwan sa mga programa na ibinibigay ng pamahalaan.