-- Advertisements --

Umaabot na sa 436,756 na mga kuwalipikadong beneficiaries ang nabigyan Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng emergency subsidy assistance sa ilalim ng Bayanihan 2.

Sinabi ni DSWD Undersecretary Glen Paje, nasa P2.7 billion na ang halaga ng ayuda para sa nasabing programa ang kanilang nailabas batay sa kanilang datos hanggang kahapon.

Ayon kay Usec. Paje, kasama na dito ang mahigit 71,000 benepisyaryo na nagmula sa mga lugar na sakop ng granular lockdown at mga non-4Ps beneficiaries na nasa 365,032.

Samantala, nasa 700,000 beneficiaries naman ng Assistance to Individual in Crisis Situation ang napagkalooban nila ng assistance kung saan bahagi ng recovery phase ng ahensya ang pagbibigay ng P15,000 sa mga pamilyang miyembro ng mga informal sector o mga na-displace dahil sa pagpapatupad ng community quarantine.

Ipinaliwanag pa ni Usec. Paje na kahit na tapos na ang effectivity ng Bayanihan 2 ay patuloy pa ring mamamahagi ng emergency subsidy assistance ang DSWD para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.