-- Advertisements --
image 178

Matagumpay na idinaos kahapon,June 14, 2023 ang paglulunsad ng Asenso Rider Raffle Promo ng Pag-IBIG Fund sa Davao City.

Ang naturang event ay nilahukan  ng daan-daang mga partner driver app-based logistics at ng Technical Network Vehicle Services.

Sa isang pahayag,sinabi ni Atty. Marie Antoniette Diaz ,Senior Vice President ng Pag-IBIG Fund Member Services Operations Sector ,pangunahing layunin ng nasabing promo na hikayatin ang mahigit 400,000  na mga riders na maging miyembro ng PAGIBIG Fund.

Sa pamamagitan rin nito ay mas madali na silang makakapag avail ng mga programa, serbisyo at benepisyo ng Pag-IBIG   lalo na ang mga pabahay.

Samantala, positibo naman si PagIBIG Fund Chief  Executive Officer Marilene C. Acosta na magtutuloy-tuloy pa rin ang paglaki ng bilang  ng kanilang  mga miyembro dahil sa raffle promo nito para sa mga delivery riders.

Ang naturang promo ay magbibigay ng nga motorcycle prizes at iba pang mga kagamitan sa mga riders na magpapa miyembro sa Pag-ibig.