Nakatanggap muli ang bansa ng karagdagang 469,200 doses ng Moderna vaccine.
Nitong Linggo ng hapon ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang nasabing bakuna.
Sa nasabing bilang ang 319,200 doses nito ay nabili ng gobyerno ng bansa habang 150,000 naman ang binili ng mga private sectors.
Pinangunahan ni vaccine czar Carlito Galvez ang nasabing pagsalubong ng mga dumating na bakuna na sinamahan ni Clare Bea ang unit chief ng Environment, Science, Technology and Health ng US Embassy at sina Dr. Maria Soledad Antonio, director ng Department of Health (DOH) Bureau of International Health Cooperation; at Dr. Ariel Valencia, director, DOH.
Sa kabuuan ay aabot na sa 4,296,060 na Moderna vaccines ang dumating sa bansa kung saan 3,000,060 ang donasyon mula sa US sa pamamagitan ng COVAX facility at ang iba naman ay binili ng gobyerno.