-- Advertisements --
Dumating sa bansa ang mahigit 400,000 doses COVID-19 vaccine na gawa ng kompaniyang Pfizer.
Pasado alas-9:00 ng nitong nakalipas na gabi ng Miyerkules ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3 ang Air Hong Kong Flight na pinagsakyan ng 455,130 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank.
Mula pa noong nakaraang taon ay umabot na sa mahigit 217 milyong doses na bakuna ang natanggap ng Pilipinas.
Target ng gobyerno na mabakunahan ang 90 milyon na indibidwal ng hanggang katapusan ng Hunyo.