Matagumpsy na naharang ng Globe ang mahigit sa 400,000 na mga link at website na may kinalaman sa child pornography noong 2022 bilang suporta nito sa laban kontra online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa bansa.
Kaugnay rin ito ng malawakang kampanya para isulong ang mas ligtas at mas responsableng paggamit ng makabagong teknolohiya.
Sa tulong ng $2.7 milyong inilaan ng Globe para sa system na nagsasala ng mga illegal content, umabot sa 399,540 URLs at 1.947 domains na may child porn content ang na-block nito noong nakaraang taon. Ito ay mas mataas ng 18 beses sa 22,371 na mga sites na naharang noong 2021.
“Globe stands firmly behind the government’s anti-child pornography law and is committed to doing our part in protecting children from the dangers they may face on the internet. We have always been at the forefront of the fight against online sexual abuse and exploitation of children, and we will continue to take strong measures to restrict access to illegal sites,” ayon kay Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer ng Globe.
Sa ilalim ng Republic Act 9775 o ang Anti-Child Pornography Act of 2009, lahat ng internet service providers o ISPs sa Pilipinas ay inaatasan na siguraduhing lahat ng uri ng child porn ay masasala at iba-block.
Ayon sa isang pag-aaral ng National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), ang Pilipinas ang isa sa mga nangungunang pinanggagalingan ng mga malalaswang online content kung saan bata ang nabibiktima.
Kaya naman inilunsad ng Globe ang #MakeItSafePh campaign para mas paigtingin pa ang pagsusulong sa kaligtasan ng mga kabataang gumagamit ng internet. Layon nitong mas maging ligtas ang online community sa pamamagitan ng pagtuturo sa publiko ng mga dapat at hindi dapat gawin online. Isa sa mga programa sa ilalim ng kampanya ang Digital Thumbprint Program (DTP).
Hatid ng Digital Thumbprint Program ang mga libreng workshop at module na dinevelop ng Globe, hango sa Optus Digital Thumbprint in-school program sa Australia. Pinapalaganap nito ang digital citizenship at cybersafety ng kabataan para tuluyang maging ligtas ang kanilang online experiences.
Ang mga programang ito ng Globe ay alinsunod sa United Nations Sustainable Development Goals, lalo na ang SDG No. 3 na layon ang kalusugan para sa lahat.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Globe sa iba’t ibang kumpanya at mga lokal na pamahalaan, maging mga international organizations, para masigurong ligtas ang mga kabataan sa internet.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/.