-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 400 katao ang nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa Democratic Republic of Congo.

Mula pa kasi noong nakaraang linggo ay walang humpay ang pag-ulan sa South Kivu province.

Dahil dito ay umapaw ang ilog at nagdulot ng mga mudslides na tumama sa mga kabahayan.

Ayon kay South Kivu’s Kalehe territory, provincial governor Theo Kasi ang 401 na nasawi ay mula sa Bushushu at Nyamukubi villages sa Kalehe territory.

Nahirapan ang mga rescuers na iligtas ang mga residente dahil sa makapal na putik.

Tuloy-tuloy din ang ginagawang pagbibigay ng tulong sa mga residente na apektado ng nasabing malawakang pagbaha.