-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 400 katao ang nasawi sa ginawang airstrike ng Israel sa Gaza.

Ayon sa Palestinian health authorities na ang nasabing pag-atake ay maaring sumira sa dalawang buwan na ceasefire.

Ginawa ng israel ang airstrike para mapilitan ang mga Hamas na palayain ang lahat ng kanilang bihag.

Mayroon pang 59 na bihag sa kabuuang 250 ang hawak ng Palestinian militant groups mula ng atakihin nila ang Israel noong Oktubre 7, 2023.

Una ng sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na gagawa ito ng matinding hakbang laban sa Hamas dahil sa pagmamatigas nilang palayain ang mga bihag.

Karamihang tinamaan ng airstrikes ang mga kabahayan at encampments kung saan naninirahan ang mga sibilyan mula sa north hanggang south ng Gaza Strip.

Tinawag nama ng Israeli military ang pag-atake bilang “preemptive offensive” na layon ay para mapigil ang kapasidad ng Hamas na magsagawa ng pag-atake.