-- Advertisements --
Hindi na mapapakinabangan pa ang nasa 440 piraso ng boga o improvised cannon matapos itong sirain ng mga otoridad sa Rizal.
Ito ay bilang bahagi ng kampanya ng Rizal Provincial Police para sa ligtas na pagdiriwang ngayong holiday season.
Ang boga ay binubuo ng tin cans, plastic bottles, PVP pipes, at toy guns .
Tiniyak naman ng Rizal Provincial Police na kanilang patuloy na isasagawa ang kampanyang ito laban sa mga ilegal na paputok.
Layon ng hakbang na ito na mailayo ang mga indibidwal lalo na ang mga bata sa panganib ng paggamit nito.