-- Advertisements --
Nasa 400 opisyal at empleyado ng gobyerno ang isinasailalim ngayon ng lifestyle check ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, na ilan sa mga dito ay mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI) at ilang mga government-owned and controled corporations.
Mayroon ng 100 na mga personalidad ang natapos nilang isinuri at isinumite na sa Malacañang ang kanilang rekomendasyon.
Dagdag pa nito na ang nasabing hakbang ay bilang katugunan sa adbokasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kurapsyon.