-- Advertisements --

Aabot sa 400 na mga Armed Forces of the Philippines (AFP) personnel ang nakatalaga na ngayon kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, na ang pagtaas ng bilang na sundalong nakatalaga kay Duterte ay dahil sa ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ay nasa ilalim na ng Presidential Security Command (PSC).

Sinunod lamang nila ang kautusan mula AFP noong Hulyo 9 na ang VPSPG-AFP ay isang “subordinate unit” ng PSC.

Nakadepende na rin sa Security Task Action Group commanders ang deployment ng mga personnel.