-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY- Umaabot na sa 4,543 ang person under monitoring (PUM) sa Cagayan habang 10 naman ang patient under investigation (PUI) dahil sa covid-19.

Sinabi ni Dr.Carlos Cortina ng Provincial Health Offfice na 3, 996 sa mga PUMs ay galing ng Manila habang 547 naman ang mga OFWs.

Umapela naman si Gov. Manuel Mamba sa lahat na iwasan muna ang pumunta sa mga matataong lugar lalo na sa mga kabataan ngayong wala pa silang pasok.

Sinabi din ni Mamba na pag-uusapan nila sa kanilang pulong ang gagawing work scheme sa kapitolyo bilang precautionary measure pa rin sa covid-19.

Kaugnay nito, ipinatupad na ngayon ang 4 day work sa city hall ng Tuguegarao na mula 7:00 am-6:00 pm.

Sinabi rin ni Lumine Omoso, head ng information office ng Tuguegarao na naglabas na ng executive order si Mayor Jefferson Soriano na suspended ang mga cockfights, people’s day at iba pang pagtitipon.

Umapela din si Soriano sa mga tao na galing ng Manila na sumailalim sa 14 day self quarantine.

Samantala, sinuspinde na rin ang pasok sa mga eskwelahan sa Kalinga simula ngayong araw hanggang April 14, 2020.

Kapansin-pansin ngayon sa mga exit at entry points sa Tuguegarao ang mga covid-19 checkpoints kung saan ay isinasailalim sa thermal scanning ang lahat ng mga dumadaan na motorista.