-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,181 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Mas mababa ang naturang datos kumpara sa halos nakalipas na dalawang buwan.
Kaugnay nito, ang kabuuang mga kaso sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,690,455.
Samantala lumagpas naman sa 40,000 ang mga namatay makaraang maiulat ang 173 na mga bagong pumanaw.
Ang death toll dahil sa deadly virus ay nasa 40,069.
Mayroon namang bagong mga gumaling na nasa 6,889.
Umaabot na sa 2,567,975 ang mga pasyente na nakarekober mula noong nakalipas na taon.
Ang kabuuang bilang naman ng mga aktibong kaso ay 82,411.
Mayroon namang dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) sa DOH.