CAUAYAN CITY- Umabot na sa mahigit 40,000 katao ang sumailalim na sa COVID-19 test sa Santiago City.
Inihayag ni City Mayor Joseph Tanna batay sa kanilang datos noong Mayo 10, 2021 nasa 43, 123 katao na ang sumailalim sa Covid19 Test,12,332 dito ang sumailalim na sa Rapid Antibody Test, 8,305 naman ang sumailalim sa Rapid Antigen Test at 22,486 ang sumailalim sa RT PCR Test.
Kaugnay nito nagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng pagsusuri sa lungsod sa pamamagitan ng kanilang Covid19 Test Site kung saan sinusuri ang mga residente na may nararamdamang sintomas.
patuloy naman ang paghahanda ng LGU ng mga karagdagang Quarantine Facilities na may 418 Bed Capacity na kinabibilangan ng mga School Quarantine Facilities, Hotel Quarantine Facilities at ang kanilang LGU Isolation Facility sa Barangay Balintocatoc.
Ngayon ay nasa siyamnapu’t isa na lamang ang nanatili sa mga nasabing Quarantine Facilities habang nasa 8,247 naman ang kabuuang bilang ng mga admitted guests sa mga nasabing pasilidad.
Samanatala, bagamat Flexible MECQ na ang lungsod ng Santiago, patuloy pa rin ang paghihigpit ng mga kinauukulan pangunahin na sa implementasyon ng mga alituntunin sa ilalim ng MECQ nang mapigilan pa rin ang posibleng hawaan.