-- Advertisements --
17840 365 1

Libo-libong indibidwal sa bansang Malaysia ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa southern Johor State dahil sa matinding pagbaha na kanilang nararanasan.

Tinatayang hindi bababa sa apat na katao ang naiulat na namatay dahil sa pagbaha.

Ayon sa mga awtoridad ,mahigit 200 temporary shelter ang naipamahagi ng kanilang gobyerno para sa mga pamilyang naapektuhan.

Batay naman sa ilang residente na naroroon ay hindi nila inaasahan na matindi ang magiging pagbaha sa kanilang lugar bagama’t lagi naman nila itong pinaghahandaan.

Sinabi ng mga awtoridad na asahang magpapatuloy pa ang malakas na pag-ulan sa kanilang bansa hanggang sa susunod na Linggo