-- Advertisements --
Hindi napigilan ng kapulisan sa Austria ang paglusob ng mga protesters sa capital na Vienna.
Ipinoprotesta kasi ng mga ito ang pagpapatupad ng panibagong COVID-19 restrictions kasama na ang mandatory vaccinations.
Ito na ang pang-apat na linggo na nagsagawa ng kilos protesta ang aabot sa mahigit 44,000 katao.
Sinusuportahan ng far-right Freedom Party ang mga protesters na siyang kumokontra sa pagpatupad ng Austria ng mandatory vaccination pagdating ng Pebrero.
Noong nakaraang buwan kasi ay naging unang bansa sa western European country na muling pagpatupad ng lockdown sa mga hindi bakunado.