Inihayag ng France Interior Ministry na nagpakalat na sila ng mahigit 45,000 na kapulisan sa iba’t-ibang lansangan sa kanilang bansa kasunod ng nagpapatuloy na kaguluhan at protesta.
Ang naturang riot ay nagliyab matapos na binaril patay ng isang Pulis ang isang binatilyo malapit sa traffic stop sa Paris
Sinunog ng mga raliyista ang mga sasakyan at mga gusali, binasag ang mga salamin at nagkalat sa mga lugar ma dinadaanan nito.
Batay sa datos, umabot sa 79 police post ang inatake ng mga raliyista, 119 na public buildings kabilang na ang 34 town hall at 28 na paaralan.
Masasabing ito ang isa sa pinakamatinding krisis sa pamumuno ng kanilang Pangulong si Emmanuel Macron mula ng magsimula ang Yellow Vest protest noong 2018.
Kabilang sa mga lugar kung saan nagpapatuloy ang kaguluhan ay ang mga lungsod tulad ng Marseille, Lyon, Toulouse, Strasbourg at Lille pati na rin ang Paris kung saan napatay ang 17 year old na si Nahel M. na lahing Algerian at Moroccan.
Ang pagkamatay ni Nahel na nakuhanan mismo ng video ay ang muling nagpasiklab sa matagal ng reklamo ng mahihirap at ibat-ibang lahi, urban communities sa umano’y karahasan at rasism ng Pulisya roon.