OKLAHOMA – Nagtala ang Oklahoma ng kasaysayan, makaraang makapagpalaya ng 450 bilanggo.
Ito na ang largest single-day commutation na naisagawa sa Estados Unidos.
Marami sa mga napalaya ang naging emosyunal nang salubungin ng kani-kanilang kaanak sa isang seremonya.
Ang release ng daan-daang inmate ay naisakatuparan matapos maisabatas ang pinadaling proseso ng review sa mga kaso ng mga ito.
Ayon kay Steven Bickley, executive director ng Pardon and Parole Board, 814 ang naisalang sa pagsusuri, ngunit 527 lamang ang nairekomenda para aprubahan ni Governor Kevin Stitt, habang 462 naman ang kabuuang napalaya nitong Lunes
“This is a historical day for criminal justice reform in Oklahoma, as we send the largest single-day commutation of sentences in our nation’s history to the governor’s desk,” wika ni Bickley. (CBS)