-- Advertisements --

Dumating sa bansa ang panibagong mahigit 450,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Pasado alas-8:00 kagabi ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplano na lulan ng 455,130 doses ng Pfizer BioNTech vaccine.

Ipapamahagi ang nasabing bakuna sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.

Sa kabuuan ay mayroon ng mahigit 128,000 na doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na ng gobyerno sa publiko.