Nakakumpiska na ang National Capital Region Police Office ng kabuuang 453,080 bawal na paputok sa Metro Manila partikular na sa lungsod ng Quezon.
Ayon sa isang NCRPO official, tinatayang nagkakahalaga ang mga nasamsam na paputok ng P453,230.
Ito ay base na rin sa ikinasang operasyon mula Disyembre 16 hanggang sa kasalukuyan.
Muli namang ipinapaalala sa publiko ang mga ipinagbabawal na paputok para sa matiwasay na selebrasyon ng Pasko at Bagong taon.
Kabilang dito ang watusi, piccolo, poppop, five star, pla-pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Kwiton, Atomic bomb, atomic triangle, Goodbye Bading, Goodbye Delima, Hello Columbia, Goodbye Napoles, Super Yolanda, Mother Rockets, Kingkong, Super Lolo, Giant Whistle Bomb, large-size Judas belt, Coke-in-can, Pillbox, Kabasi, Special, Goodbye Chismosa at Goodbye Philippines.