-- Advertisements --
BAGYONG KARDING PANTALAN STRANDED

Binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kabuuang 45,721 outbound passengers at 35,554 inbound passengers sa lahat ng daungan sa buong bansa.

Sa isang advisory, sinabi ng Coast Guard na nasa 2,108 frontline personnel sa 15 PCG districts ang naka-deploy.

Sinabi ng PCG na nag-inspeksyon sila sa kabuuang 425 sasakyang pandagat at 680 motorbanca.

Samantala, nasa “heightened alert” ang lahat ng distrito, istasyon, at sub-istasyon ng Coast Guard para pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan mula Disyembre 15, 2022, hanggang Enero 7, 2023.

Pinayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa PCG sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page nito o sa Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa mga katanungan, alalahanin, at paglilinaw tungkol sa mga protocol at regulasyon sa paglalakbay sa dagat sa panahon ng Yuletide.