-- Advertisements --
Nasa 22,871 outbound passengers at 24,216 inbound passengers ang na monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Bukod dito, 2,672 na deploy na frontline personnel sa 16 PCG District ang nag inspeksyon sa 178 vessels at 77 motorbancas.
Ipinatupad ng PCG sa kanilang mga distrito, istasyon, at sub station ang heightened alert mula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 3, 2025 upang pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero ng daungan.
Maaaring makipag ugnayan ang mga byahero sa PCG sa pamamagitan ng kanilang information center at maging iba’t-ibang official channels ng PCG para sa mga katanungan, alalahanin, at paglilinaw hinggil sa sea travel protocols and regulations ngayong holiday season.