Tinatayang aabot sa mahigit apat na libong sako ng bigas ang ipinagkaloob ng bansang Japan sa mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa probinsya ng Albay.
Ang naturang bigas ay nagmula sa Ministry of Agriculture – Forestry and Fisheries ng bansang Japan .
Malugod naman itong tinanggap ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Bicol Regional Office.
Ayon sa ahensya, ang naturang mga bigas ay paunang batch pa lamang ng tulong.
Aabot kase sa 10,000 na sako ng bigas ang handang ibigay ng Japan sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve Tier 3 Program.
Samantala, iniulat naman ng ahensya na nagpapatuloy pa rin ang paglikas ng libo-libong residente sa Albay patungo sa kani-kanilang mga evacuation centers.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang pag -aalburuto ng naturang bulkan dahilan upang ipagbawal muna ang pag-uwi sa kanilang mga kabahayan.