Umaabot sa kabuuang 4,636 na preso ang namatay sa loob ng mga piitan sa nakalipas na 5 taon ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sa datos ng ahensiya mula Enero 1, 2020 hanggang Hunyo 30, 2024, nasa 1,182 PDLs ang namatay noong 2020; 1,166 noong 2021; 925 noong 2022; 876 noong 2023; at 487 base sa datos noong Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., karamihan sa mga dahilan ng pagkamatay ng mga bilanggo ay nananatiling unknown o hindi pa tukoy.
Subalit ikinatuwa naman ng BuCor chief ang paglagda ng Declaration of Cooperation to Strengthen Procedures to Investigate Custodial Deaths of Persons Deprived of Liberty.
Sa ilalim kasi ng naturang deklarasyon, kailangang isailalim muna ang labi ng nasawing bilanggo sa forensic autopsy bago dalhin sa funeral parlor para i-embalsamo.
Makakatulong aniya ang naturang hakbang para ma-assess ang kondisyon ng mga preso.