-- Advertisements --
Baha P

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga nakumpirmang naapektuhan sa magkakasunod na pananalasa ng Supertyphoon Egay, bagyong falcon, at Habagat, sito swa bansa.

Batay sa pinakahuling datus ng konseho, kabuuang 5,377,493 katao na ang kumpirmadong naapektuhan.

Ito ay katumbas ng 1,375,379 na pamilya.

Kabuuang 14 na rehiyon naman sa buong bansa ang apektado, na binubuo ng 50 probinsiya, o katumbas ng 566 na syudad at mga munisipalidad.

Sa kasalukuyan, nananariling nasa 30 ang bilang ng mga namatay kung saan 18 sa kanila ay isinasailalim pa sa balidasyon.

Umabot na rin sa 171 ang nakumpirmang nasugatan habang 9 ang patuloy na pinaghahanap.

Samantala, bumaba na rin ang bilang ng mga indibidwal na nananatili sa mga evacuation center.

Hanggang kahapon, mayroon na lamang 7,483 katao mula sa mahigit sampung libo nitong weekend. nananatili pa ring bukas ang 109 na evacuation center.