-- Advertisements --

Natanggal ang kabuuang 5,388,421 botante mula sa official voter’s list para sa 2025 midterm elections base sa latest data mula sa Commission on Elections (Comelec).

Sa naturang bilang, kabuuang 686,859 botante ang binura na mula sa listahan.

Paliwanag ng Comelec na na-deactivate ang registration ng mga botante matapos mabigong makaboto sa 2 magkasunod na regular elections o a bisa ng court order, kawalan ng Filipino citizenship at walang valid na mga dokumento.

Habang ang mga nabura naman sa listahan ay dahil pumanaw na o may multiple o double registration.

Samantala, pumalo naman na sa 5,372,424 ang kabuuang bilang ng bagong rehistradong botante para sa 2025 midterm elections.

Nauna ng iniulat ng poll body na lagpas na sa 65.9 million ang mga rehistradong botante para sa May 2025 elections, bahagyang kapos pa ito sa target ng poll body na 70 milyong botante.