-- Advertisements --
Nasa mahigit 5,000 lugar sa bansa ang naka-granular lockdowns dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa lugar.
Ayon sa PNP mayroong 5,043 na kabahayan at komunidad sa buong bansa.
Apektado dito ang nasa 18,821 indibidwal na kinabibilangan ng 310 barangays.
Sa Metro Manila ay bumaba ang lugar na nakalagay sa granular lockdown.
Mayroon na ito ngayon na 102 mula sa dating 105.
Sa 102 na bilang ay binubuo ng 54 kabahayan, 33 residential buildings, walong subdivisions at villages at isang residential floor.