Pumalo na sa kabuuang 5,844 na mga paaralan sa buong Pilipinas ang nagpatupad na ng suspensyon sa face to face classes ayon sa Department of Education.
Sa gitna ito ng matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa buong bansa dahil na rin sa epekto ng El Nino phenomenon.
Dahil dito ay lumipat na sa alternative delivery modes ang naturang mga paaralan bilang bahagi ng kanilang mga sinusunod na measures upang matugunan ang pinsalang maaaring dulot ng mainit na panahon.
Batay sa datos ng DepEd, ang Central Luzon ang nakapagtala ng pinakamaraming paaralan na nagpatupad ng suspensyon sa in-person classes na mayroong 1,124.
Sinundan ito ng Central Visayas na mayroong 792 paaralan na nagsuspinde ng face to face classes; 678 sa Soccksargen; 634 na mga eskwelahan sa Bicol Region; at 610 naman sa Zamboanga Peninsula.
Habang nasa 306 na mga paaralan naman ang nagpatupad na rin ng alternative delivery mode sa National Capital Region tulad ng online o modular classes.
Kung maaalala, una nang binigyan ng DepEd ng karapatan ang lahat ng mga regional directors at superintendents na ilipat ng mas maaga o sa hapon ang class schedules kung kailan mas tolerable ang init ng panahon