-- Advertisements --
Sugatan ang nasa 5,000 katao habang isa ang nasawi matapos an tumama ang dust storm sa Iraq.
Ayon sa health ministry ng Iraq, ito na ang pang-pitong beses na tamaan ng dust storm ang Baghdad sa loob lamang ng isang buwan.
Sa bilang na 2,000 na kaso ay dumanas ang mga ito ng “suffocation”.
Pinayuhan nila ang mga may sakit na asthma at ilang mga chronic disease na manatili na lamang sila sa loob ng kanilang bahay.
Bagamat normal lamang na nararanasan ang dust storm sa Iraq subalit maraming mga eksperto ang nagsabi na kaya lagi ito nararanasan ay dahil sa epekto ng climate change.