-- Advertisements --

Inihayag ni Trade Secretary Alfredo Pascual na nasa mahigit 5 kasunduan ang nakatakdang lagdaan sa pagitan ng mga Filipino at Japanese companies sa sidelines ng pagdalo ni PBBM sa 50th Commemorative ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Summit sa Tokyo, Japan.

Nakatakdang lagdaan aniya ang memoranda of agreements and understandings sa Lunes, Disyembre 18.

Tumanggi naman ang opisyal na ibunyag ang detalye kung anong mga sektor ang kasama sa kasunduan para hidni mapreempt ang paguusap sa pagitan ng mga PH at Japan companies.

Sinabi din ng opisyal na ang kasunduan na nakatakdang lagdaan ay testamento ng kumpiyansa ng Japan sa business industry sa PH at seryosong intensiyon at plano para ituloy ang pamumuhunan sa ating bansa.