-- Advertisements --
Nasa 5 milyong kabataan ang hindi na nakakapag-aral sa Ukraine dahil sa paglusob ng Russia.
Ayon sa United Nations International Childrens Education Fund (UNICEF) na ang 11-buwan ng giyera sa Ukraine ay nagdulot ng mas tuminding kawalan ng kaalaman ng mga bata doon.
Mula kasi noong COVID-19 pandemic ay natigil na ang kanilang pag-aaral at ito ay naulit pa dahil sa paglusob ng Russia.
Dahil rin sa giyera ay maraming mga paaralan ang nasira mula sa pag-atake ng Russia.