-- Advertisements --
image 90

Nababahala ngayon ang Armed Forces of the Philippines sa sangkaterbang mga barko g China na namataan ng Philippine military patrols sa Iroquois Reef at Sabina Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sa inilabas na ulat ng Western Command Armed Forces of the Philippines, aabot sa 48 Chinese fishing vessels ang namataan sa Iroquois Reef , habang limang China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy vessels naman ang nakita sa Sabina Shoal sa pinakahuling air patrol na isinagawa nito noong Hunyo 30, 2023.

Ang mga ito ay nakita sa timog na bahagi ng oil and gas-rich na Recto Bank na nasa bahagi rin ng West Philippine Sea.

Ayon kay Lietenand Karla Andres, ang co-pilot ng NV312, ang naturang mga Chinese fishing vessels ay mayroong grupo ng lima hanggang pitong mga barko, at wala naman silang napansin na anumang fishing activities sa nasabing lugar.

Sinabi rin ng AFP Western Command na nagsimula lamang sa 12 Chinese fishing vessles ang namataan sa lugar noong Pebrero hanggang sa umabot na ito sa mahigit 40 nitong Hunyo 12.

Maliban dito ay kapansin-pansin din ang pagdami ng presensya ng Chinese maritime asstes sa sabina shoal.

kabilang din sa mga namataan sa lugar ay ang tatlong barko ng China Coast Guard, at dalawang People’s Liberation Army Navy vessels.

Nakatakdang isumite ng militar ang kanilang mga nakalap na impormasyon sa gobyerno upang makagawa ng kaukulang aksyon partikular na ang posibilidad ng paghahain ng diplomatic protest laban sa China.