-- Advertisements --
Mayroon pang 50 empleyado ng Bureau of Customs (BOC) ang nakatakdang sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa katiwalian.
Kasunod ito ng tuluyang pag-alis ng Pangulo sa naunang 64 empleyado ng BoC.
Sinabi ni presidential spokesman Salvador Panelo, na pinag-aaralang mabuti ng pangulo ang lahat ng mga reklamong nakarating sa kaniyang opisina.
Nilinaw nito na hindi naman sangkot at walang natanggap na reklamo ang pangulo kay Customs commissioner Rey Guerero.
Tiniyak nito na nagtitiwala pa rin ang pangulo kay Guerrero.