-- Advertisements --

Mahigit 50,000 na residente ng Kentucky ang wala pa ring suplay ng kuryente matapos ang pananalasa ng tornado.

Sinabi ni Kentucky Governor Andy Beshear na karamihang naapektuhan sa kaniyang lugar ay ang nasa timog bahagi ng kaniyang bayan.

Inaasahan din ng gobernador na tataas pa ang bilang ng mga nasawi na naiulat na halos 100 na dahil marami pa rin ang naiulat na nawawala.

Magugunitang nagmistulang ghost town ang isang bayan sa Kentucky matapos ang pananalasa ng malakas na bagyo na tumama sa ilang estado gaya ng Arkansas, Illinois, Mississippi, Missouri at Tennessee.