-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na naabot ang target tourist arrival na mahigit sa 50,000 sa nakaraang Holy Week sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay Tourism Officer Mr. Felix Delos Santos, hindi man ito kasing dami kung ihahambing noong 2023 ngunit ikinatuwa parin nila ang resulta ng pagsisikap ng LGU na makabangon muli ang industriya ng turismo upang lalong mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

Sa datos na inilabas ng tanggapan, umabot sa kabuuang 191,326 ro tourist arrival sa Boracay sa buwan ng Marso.

Sa nasabing bilang, 149,659 dito ang mga domestic tourist; 1,616 ang overseas Filipinos at 40,051 naman ang mga foreign tourist.
Sa kabilang dako, pinasalamatan ng LGU ang lahat ng dedicated tourism frontliners na nakiisa sa Project Pristine “SEMANA SANTA CLEAN-UP DRIVE” kung saan, sako-sakong basura ang naipon sa paglilinis sa dalampasigan at iba pang lugar sa isla ng Boracay.