-- Advertisements --

BAGUIO CITY—Maikakalat ang higit 50,000 na pulis at force multipliers sa ibat ibang lalawigan ng rehiyon Cordillera para sa pag-uumpisa ng klase sa Lunes.

Ito ay para sa kapayapaan at seguridad ng mga estudyante sa darating na Lunes, Hunyo 3, 2019.

Ayon kay General Israel Ephraim Dickson, regional director ng Cordillera PNP, mahigit 30, 000 na pulis at mahigit 10, 000 na force multipliers ang magtutulungan sa monitoring sa klase ng mga estudyante sa rehiyon.

Sinabi niya pangunahing tutukan nila ang mga kalsada na kadalasan pinangyayarihan ng trapiko pati narin sa pagsusuri sa mga sasakyan para maiwasan ang overloading at pagbibigay nila ng information education sa mga drivers tungkol sa batas trapiko.

Dagdag niya na maglalagay sila ng traffic signs para sa loading at loading zones.