Patay ang 53 katao sa nangyaring ambush sa remote highlands region ng Papua New Guinea.
Ayon sa tagapagsalita ng national police ng naturang bansa na pinagbabaril ang mga biktima sa kasagsagan ng away sa pagitan ng mga tribo sa Enga Province nitong weekend. Kadalasan sa ugat ng conflict ang pamamahagi ng lupa at kayamanan.
Inaasahan na madaragdagan pa ang bilang ng nasawi sa naturang insidente.
Una rito, napag-alaman na ang Highlands area ay matagal ng humaharap sa karahasan subalit ang nangyaring pagpatay kamakailan lamang ang pinaniniwalaan pinakamalala sa nakalipas na mga taon.
Samantala, nangako naman ang Australia na isa sa malapit na kaalyado ng Papua New Guinea ng suporta partikular na para sa pagsasanay ng mga police officer at para sa seguridad sa naturang bansa.