-- Advertisements --

Sugatan ang hindi bababa sa 10 katao matapos ang banggaan ng dalawang trams sa Strasbourg sa eastern France.

Nangyari ang insidente sa isang tunnel patungo sa station malapit sa central train stations.

Dinala sa mga pagamutan ang mga nasugatang pasahero ng dalawang trams.

Nagpakalat naman ang mga otoridad ng 130 na mga bumbero, 50 rescue vehicles at ilang emergency na mga sasakyan.

Sinabi ni René Cellier, ang director ng Bas-Rhin Fire and Rescue Service nasa 50 katao ang nagtamo ng mga sugat, fractures at knee sprains pero walang kritikal.

Nagsasagawa pa rin ang mga otoridad ng masusing imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.