Nasawi ang nasa mahigit 50 mananamba sa isang mosque sa Kabul, Afghanistan matapos ang malakas na pagsabog.
Ito ang pinakabagong serye ng pag-atake sa mga sibilyan na target ang Afghanistan sa kasagsagan ng holy month ng Ramadan ng Muslim.
Ayon kay Besmullah Habib, deputy spokesman for the interior ministry na tinamaan sa naturang pagsabog ang Khalifa Sahib Mosque sa west ng Kabul at knumpirma pa lamang na ansa 10 ang naitalang death toll.
Nabatid na nangyari ang pagatake habang nagtipun-tipon ang mga worshippers sa Sunni mosque matapos ang kanilang friday prayers para sa congregation na tinatawag na Zikr, isang religious remembrance nakaugalian ng mga Muslim.
Ayon kay Sayed Fazil Agha, head ng mosque, mayroong isang suicide bomber ang sumama sa kanila sa seremoniya at nagpasabog ng bomba.
Naglabas naman ng statement ang Taliban at kinondena ang nangyaring pag-atake at inihayag na mananagot ang mga perpetrators na responsable dito.